Recent Posts

Featured Post

Barbie Imperial, binasag ang katahimikan sa isyung nagkaroon sila ng relasyon ni DJ at Xian Lim!

Tuesday, September 13, 2022

 


Binigyang-linaw ni Barbie Imperial ang pagkakalink niya kina Daniel Padilla at Xian Lim. Matatandaang nagsimula ang haka-haka na diumano'y may relasyon sina Barbie at Daniel.


Noong unang bahagi ng Enero, nakita ang aktres sa bahay ni DJ. Nanatiling tahimik si Barbie sa nasabing kontrobersiya hanggang sa mawala ang isyu.


Sa kanyang latest youtube vlog entitled "Reacting to Controversial rumors about me", ipinaliwanag niya ang kanyang side sa isyu. Aniya, nang pumutok ang balita, sobrang nahihiya raw sya sa girlfriend ni Daniel na si Kathryn Bernardo.




"Ngayon ko lang yata sasagutin ito, kasi nanahimik talaga ako. As in, ‘nung time na iyon, ‘nung nangyari ang tsismis na 'yun, syempre nahiya ako unang-una kay Kath, kasi anong iisipin niya. Ganito, ganyan", simula ni Barbie.


"Pumunta ako ng bahay ni tita Karla kasi first, kaibigan ko si tita Karla at si Maggie. Noong pumunta ako, kakabreak lang namin actually ni Diego Loyzaga. And, ang mga kaibigan ko talaga na pinupuntahan, sina ate Ara Mina, yun, isa rin si tita Karla. So, pumunta ako kay tita Karla kasi wala si mama rito. Ayaw ko kasi na kapag kakabreak ko lang, emosyonal ako. Pupunta ako ng gimikan, iinom, hindi ganun. Parang lalapit ako sa mom, talagang magpa-advise. And para fair yung advice, si tita Karla [ang nilapitan ko] kasi kilala niya si Diego. Anak-anakan niya rin si Diego", mahabang paliwanag ni Barbie.


Say pa niya, wala nga raw si Daniel that time noong bumisita siya.


"So, pumunta ako doon na wala si DJ. Wala si Daniel doon. Ang nandoon lang ay si tita Karla, ibang family ni tita Karla, nandoon din ang Beks Batallion. So for me, kung para talaga akong may gagawing masama, nandoon yung Beks Batallion. Nasa vlog pa ako, ang bobo ko naman, [di ba?]. So, walang-wala. Walang truth 'yun. And nirerespeto ko kung ano ang meron kina Kath and DJ."


Marahas ring itinanggi ni Barbie ang isyung niyakap at dinamayan siya ni DJ habang umiiyak siya dahil sa break-up nila ni Diego.


"Saan galing ito? No, not true. Hindi, actually wala akong maexplain kasi ngayon ko lang nalaman 'yung about this tsismis. Pero hindi, hindi totoo", ani Imperial.


Nilinaw rin ni Barbie ang tungkol sa nagviral na photo nila ni Xian na magkasama sa isang hotel sa Davao. Pagsasaad ni Barbie ay may raket sila sa nasabing lugar that time. Minabuti nilang sa iisang hotel na lamang magcheck-in para mas mapadali ang pagpunta sa event.




"Mismo, so siguro kung sasabihin mo na nagcheck-in kami sa isang hotel, oo, nakacheck-in kami talaga sa isang hotel. Pero that doesn't mean na iisang kwarto kami", paliwanag ni Barbie.


Noong nagtrending ang isyung ito, sinagot agad ni Xian Lim ang balita. Ayun pa sa binata, "Not guilty. Yun na lang, I guess ang reaksyon ko lang doon is totoo ba? Alam mo yun? Sa mga naniniwala, sa mga gustong bigyan ng kahulugan, kayo ay officially kasama na sa mga grupo ng Marites."


Nagbahagi din ng saloobin si Barbie Imperial sa naturang balita. Ayun sa dalaga, "It was actually the hotel where we stayed at nung nagcampaign kami nila Xian sa Mati. Madami kami. My room and Xian's room. Nagfavor yung hotel if pwede magphoto."


Marami namang KimXi supporters ang nabigla sa fake news na ito. Kahit ang nobyang si chinita princess ay hindi nagbahagi ng opinyon dito dahil may tiwala siya sa boyfriend na si Xian.

No comments:

Post a Comment