Recent Posts

Featured Post

Kakampinks Na Umaasang Mapapatalsik Si Pbbm Kinantyawan Ng Magaling Na Lawyer/cory Aquino Nabanggit?

Friday, January 13, 2023

 



“Mga dilawan at kakampinks, manigas kayo. Kayong mga umaasa na mapapatalsik si Pangulong Marcos dahil sa mga alingasngas ng destabilization plot”, ito ay ayon kay international lawyer at unity senator candidate na si Attorney Harry Roque.


Ayon sa kanyang pahayag, sinabi niya ang mga posibleng pinagmulan ng namumuong kudeta sa hanay ng AFP.


Ang unang dahilan ay ang panawagan ni DILG Secretary Benhur Abalos na magbitiw sa pwesto ang mga PNP colonels at heneral bilang paggalang upang maging malinaw ang kanilang hanay na sangkot sa transaksyon ng iligal na droga.


Siguradong may mga nasaktang officers dito dahil ayon sa pahayag ni PNP Chief Azurin na sampu lang siguro ang sangkot. Ngunit ang tanong ay bakit lahat? 


Pangalawa dito ay ang magulo at maling pagbasa ng ilan sa bagong batas hinggil sa pagtatalaga at pagreretiro ng mga heneral. Magreresulta umano ito sa conflict sa promosyon sa iba pa sa kanila.


Ngayon ginagamit ng kakampink ang isyung ito para ipakita na wala nang tiwala sa gobyerno ang mga Pilipino at AFP, kaya magkakaroon ng kudeta. Ikinumpara pa ito ni Attorney Harry Roque sa nangyari kay dating pangulong Cory Aquino.


Ang pinagkaiba lang, ang nagpaupo kay Cory Aquino ay isang revolutionary constitution, ayon sa mga mambabatas na kaalyado ng dilawan. Kumpara kay PBBM na may malinaw na mandato na binoto ng tatlumpu't isang milyong Pilipino. 


Sa kasaysayan ng halalan sa bansa, siya ang may pinakamaraming boto para sa pagkapangulo. Kaya naman ang anumang pagtatangka na patalsikin ang pangulo ay hindi magtatagumpay kung wala ang suporta ng taumbayan.


Panoorin ang buong video para sa higit pang mga detalye:





No comments:

Post a Comment