Recent Posts

Featured Post

Sikat Na Beauty Queen May Iniyakan!

Tuesday, January 17, 2023




Nitong nakaraang weekend, naganap ang pinakahihintay na kaganapan sa mundo kung saan matindi ang pangyayari at ikinagulat ng mga tagahanga.


Nagulat ang lahat ng Pinoy pageant fans nang hindi mapabilang si Celeste Cortesi sa Top 16 ng Miss Universe 2022 pageant ngayong taon.


Ito ang unang pagkakataon sa loob ng 12 taon na hindi nakapasok ang Pilipinas sa semifinals ng Miss Universe.


Malaking palaisipan ito para sa mga Pinoy pageant fans, lalo na't isa si Celeste Cortesi sa mga kandidatong masasabing malakas na contender.


Maging ang ilang celebrities ay nagulat dito at nagbahagi ng kanilang mga reaksyon sa kanilang mga social media account.


Pagkatapos nito, kumalat sa social media ang video ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na umiiyak sa backstage.


Akala ng iba, umiyak si Catriona matapos malaman na hindi kasama sa Top 16 candidates si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi.




Napaiyak si Catriona dahil sa emotional tribute segment ng yumaong Miss USA 2019 candidate na si Cheslie Kryst.


No comments:

Post a Comment