Recent Posts

Featured Post

Full Story! Janella Salvador at Markus Paterson Binulgar Ang Detalye Ng Hiwalayan Nilang Dalawa!

Wednesday, September 7, 2022

 


Kinumpirma ni Janella Salvador sa publiko na siya ay isang single mom sa anak nila ng aktor na si Markus Paterson. Nagbreak daw sila noong June.


Ano nga ba ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan? 


Unang lumabas ang espekulasyon tungkol sa paghihiwalay nina Markus Patterson at Janella Salvador nang kitang-kitang wala si Janella sa birthday party ni Markus noong Hunyo.


Matatandaang sinagot ng dalawa ang mga tanong ng netizens sa hiwalay na panayam noong Hunyo, kung totoo nga ang tsismis na break na sila. 


Hindi direktang tumugon si Markus sa mga katanungan ng media. Ang sabi lang niya ay maganda ang relasyon nila ni Janella. Ipapaubaya  daw niya sa aktres ang pagsagot sa naturang tanong. 


Nang makapanayam noong Hunyo tungkol sa paghihiwalay nila ni Markus, sinagot naman ni Janella na ayos lang sila. Hiniling din niya sa mga tagahanga na igalang ang kanilang privacy. Pareho nilang hindi inamin o itinanggi ang katotohanan ng paghihiwalay. 


Ang YouTube vlog ni Bernadette Sembrano, na nai-post noong Sept. 3, ay nagsilbing kumpirmasyon na totoo ang balitang hiwalayan.


Ang co-parenting status na lang ang meron sila sa anak nilang si Baby Jude na magto-two years old na sa October 20, 2022.


Sa vlog ni Bernadette ay tinanong nito si Janella. Tanong sa kanya ni Bernadette, "ano yung last mong inilaban?"


Sagot ni Janella, "Being a single mom! Talagang inilalaban ko 'yun. At the end of the day, I can rely on myself. I don't want to sound bad, na hindi ko kailangan ng tulong ng iba. I like being independent."


Siguro, aniya, dahil nakita niyang mag-isa ang ina niyang si Jenine Desiderio na umalalay sa kanya, posibleng kinatawan din niya ito at gustong-gusto niyang maging independent.


Sunod na sabi ni Bernadette, "Describe yourself."


Sagot ni Janella, "Strong. 'Yun yong lagi kong naririnig sa mga tao. I always hear that I'm the bravest person that they know."




Matatandaan na may mga ulat din na may problema sa alak si Markus. Ito raw ang isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkasira ng relasyon nila ni Janella.


Sa panayam ni Ogie Diaz kay Janella, inamin ng aktres na may trauma siya sa mga lasing lalo na at inilalagay sa ulo ang tama ng alak. Nag-ugat daw ang trauma ni Janella sa mga past relationship experiences niya na kanyang ikinasindak.


Kaya ngayon, kapag may mangyaring pisikalan ay iyon na ang ultimatum ng aktres. Alam daw iyun ni Markus. Samantala, sa nakaraang panayam kay Janella, lumalabas na tila nakamove-on na siya sa pinagdaanang heartbreak.


Sa mga nakaraang panayam, sinabi niyang masaya siya, masaya at payapa. Sinabi nila ni Markus na ayos lang sila.


"We're both happy as individuals and our main priority is Jude."


Nang tanungin kung handa na ba siyang umibig muli, sagot ni Janella, "Hindi naman ako mapili. Kung sino ang dumating basta't maayos, basta't mamahalin ako."


Samantala, nagviral ang video ni Markus sa Twitter kung saan sinabi niya doon na hindi na siya muling makikipag-date sa isang babaeng nasa showbiz.





Unang kinumpirma nina Janella at Markus ang kanilang relasyon noong Setyembre 2020. Noong Enero 2021, inihayag nila sa publiko ang kanilang anak na si Baby Jude, na ipinanganak ni Janella sa UK noong Oktubre 2020.


No comments:

Post a Comment