Inamin ni Alex Gonzaga ang isang rebelasyon, ano kaya ito?
Ito ay mainit na pinag-uusapan sa mundo ngayon. Alex, inamin na mukha lang siyang matapang sa harap ng mga tao pero madaling masaktan.
Naging emosyonal ang TV host-actress at vlogger na si Alex Gonzaga-Moran matapos pag-usapan ang mga sinasabi ng netizens sa kanya.
Hindi napigilan ni Alex ang luha sa kanyang pinakabagong podcast na pinamagatang "Ano na Catherine". Tinalakay niya rito ang tanong ng pagiging mayabang.
Diretsahang sinabi ng kapatid ni Toni Gonzaga na tao lang siya na naaapektuhan at nasasaktan kapag may sinasabing masama tungkol sa kanya pero kailangan daw niyang ipakita sa publiko na matapang siya at hindi apektado ng pang-babash sa kanya.
“Mahirap siyang aminin sa sarili mo na, “I'm a weak person.””
“'Yong mukha kang matapang sa harap ng maraming tao pero ang bilis mong masaktan.”
“Pag may sinabi sa 'yo or may ginawa sa 'yo 'yong isang tao, parang apektado ka pero ayaw mong maging ganoong klaseng tao, ayaw mong masabihang “mahina 'yan eh”.”, pahayag ni Alex.
Binanggit ng TV host Comedian kung ano ang naramdaman niya noon kapag ikinukumpara siya ng kanyang kapatid na si Toni, lalo na sa kanilang pamilya.
Dito niya inamin na hirap pa rin siyang maging tapat. Kung paano ipapakita na matapang siya at hindi mayabang ang dating.
Inamin din niya na may pagkakataon na hindi na siya masaya sa mga nangyayari sa kanyang showbiz career at pakiramdam niya ay hindi na niya kilala ang sarili niya.
Kamakailan, nagpasalamat si Alex sa mga achievements at ratings ng kanyang podcast.
“Opening my heart and sharing my thoughts to all of you has always been migraine.”
“So thank you netizens for giving me your time to listen.”
“We live, make mistakes but the best part is we learn together.”
“Love you all. #anonacatherine?”
No comments:
Post a Comment