Viral ngayon sa social media ang nasabing German vlogger kung saan foul ang content sa kanyang vlog.
Kontrobersyal ngayon ang video na in-upload ni Marcel Messall o mas kilala bilang Mister Pogi German matapos niyang i-share sa kanyang Facebook page ang vlog kung saan tinulungan niya ang isang Pinay pick-up girl sa Muntinlupa. Mababasa sa kanyang Facebook page ang caption at paliwanag tungkol sa kanyang vlog.
“I've Met a 18 Years old Filipina Pick Up Girl from alabang Muntinlupa...
Disclaimer: the intention of this vlog is to help Filipina girls like her who can't afford daily essentials like food or gatas for her baby...I want to use this platform to share her story. I'm sure many girls are in the same situation like her,not enough money for food,gatas,diaper etc ...I hope she will use the 10000 pesos wisely!!!! ”
Makikita sa vlog na nakausap niya ang labingwalong taong gulang na dalagang ito at tinanong kung magkano ang serbisyo nito. Agad namang sumagot ang babae na all-in daw ito, isang libong piso sa loob ng tatlong oras.
Nilibre ng vlogger ng pagkain ang babae bago sila mag-check-in. Habang naghihintay sila ng order nila, tinanong ng vlogger kung ano ang pinagdadaanan ng babae at bakit siya nasa kalsada kahit hatinggabi na. Dito sinabi ng babaeng si Abby, single mom, na sinasaktan siya ng dati niyang partner. Hindi rin umano ito nagbigay ng suporta sa kanilang anak.
Aniya, “nananakit siya sa akin kahit buntis ako at lagi kaming nag-aaway.”
Kung pinanood mo ang vlog, naging maayos ang kalahati ng video. Pero at the end of it, hindi na nagustuhan ng netizen.
Narito ang reaksyon ng netizen, “Ang toxic mo hoy! Wala kang pinagkaiba sa poverty p0rn”.
“You did not help them, you just exposed the youngers at the same time, used them in your vlog. You are really used to meet pick up girls, maybe not only here in the Philippines. We are aware aids is everywhere. I hope Senator Raffy Tulfo will take action sorry but your content is not good. I don't believe there's no s3x happened. If your intention is to help, do it outside hotel. I don't like this, if you really want to help you can do it in a nice way, not like this, sorry but this is a worse video ever! Yes, you have blurred her face but if you are going to help someone like her, you do not have to put her thru all of that, just so you can get some content.”
Agad na nag-viral ang video clip at nakarating sa pulisya ng Muntinlupa. Sa ngayon ay nasa presinto ng Muntinlupa ang nasabing vlogger at may paglabag ito sa republic act 995, anti-photo and video, Republic Act 8353 (The Anti-R4pe Law of 1997) in relation to Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act).
No comments:
Post a Comment