Hindi maintindihan ng batika at retiradong mamamahayag na si Jay Sonza ang lohika ng panawagan ni Department of Interior and Local Government secretary Benhur Abalos. Ang kanyang panawagan ay ang courtesy resignation ng mga koronel at heneral sa hanay ng pulisya dahil base sa kanyang obserbasyon, nagdulot lamang ito ng emosyonal na pinsala sa ilang pulis na tapat sa serbisyo at malinis ang pangalan na mga alagad ng batas.
Sa madaling salita, ang nine hundred plus officer ay hinihinalang may ilegal na dr0ga din dahil sa ginawa ni Abalos.
Apektado rin umano ang pamilya ng nasabing mga pulis sa hakbang na ito ng DILG. Kahit itinanggi ng Armed Forces of the Philippines na walang destabilization plot, nagpapatuloy ang tsismis na ito. Dahil na rin sa nagiging gulo na ito sa matataas na opisyal ng AFP.
Sa buod, isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng destabilization plot ay ang pagbibitiw ng mga pulis.
Ayon kay Jay Sonza, kailangang tingnan ni Pangulong Marcos ang mga opisyal na kanyang itinatalaga. Kaya dapat daw ay gumawa siya ng loyalty check sa kanila bago siya ma-appoint. Sa huli, nagtanong ang batikang mamamahayag, "sino ang nagpapayo sa pangulo?".
Bukod sa kalituhan sa hanay ng AFP, problema pa rin kung paano makapasok sa bansa ang mga investors kung may mga bali-balitang hindi maganda ang relasyon ng pangulo sa kanyang mga nasasakupan. Lalo na sa sandatahang lakas ng Pilipinas kung saan nakasalalay ang seguridad ng mga mamamayan nito.
Panoorin ang buong video para sa higit pang mga detalye:
No comments:
Post a Comment