Recent Posts

Featured Post

Nagsisi si Sunshine Cruz sa pagiging 'bold star': Malaking bahagi iyon ng aming paghihiwalay

Monday, February 6, 2023

 


INAMIN ng aktres na si Sunshine Cruz na malaki ang epekto ng paggawa ng mga sexy na pelikula sa kanyang buhay.


Sa kanyang panayam sa "Fast Talk with Boy Abunda" sinabi niyang pinagsisisihan niya ang pagiging bold star o sexy star dahil ito ang dahilan ng pakikipaghiwalay niya sa kapwa aktor na si Cesar Montano.



Tinanong si Sunshine kung dumating ba siya sa puntong nanghinayang siya sa paggawa ng mga seksing pelikula.


“There was a time na ni-regret ko ‘yun especially naging malaking parte ‘yun ng aming separation ng aking ex-husband (Cesar Montano) but at the end of the day mas naging stronger ako.


“Mas natuto ako and ang ginawa ko lang Tito Boy ay mas pinatunayan ko sa mga tao na hindi lang ako sexy star o bold star,” saad ni Sunshine.


Dagdag pa niya, “I can also be a singer. I can be an actress and most especially I am a good mom… Lahat naman tayo nagkakamali, nagkakaroon ng maling desisyon noong mga bata pa tayo pero ang importante ay kung ano tayo ngayon.”


Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, naging maayos ang kanilang relasyon at sa katunayan ay in good terms din sila ng bago nilang partner na si Kath Angeles.


Matatandaan noong 2000 nang ikasal sina Sunshine at Cesar pero naghiwalay din sila noong 2013.


Nang sumunod na taon, naghain ang aktres ng annulment para ipawalang-bisa ang kasal nila ng dating asawa.


Ayon kay Sunshine, may ibang babae si Cesar at may reklamo rin siya ng domestic abuse gaya ng marital rape at kahalayan sa harap ng kanilang mga anak na babae.


Nagkaroon sila ng tatlong anak, sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca.


Pagkaraan ng apat na taon, pinagbigyan ng Quezon City Regional Trial Court ang petisyon ni Sunshine noong Setyembre 2018.



No comments:

Post a Comment