Recent Posts

Featured Post

Dumulog si Pokwang sa abogado, may gustong bawiin at linawin kay Lee O'Brian

Monday, February 6, 2023


Aminado ang Kapuso actress at comedienne na si Pokwang na kumunsulta siya sa isang abogado dahil sa mga bagay na gusto niyang linawin at bawiin sa dating partner na si Lee O'Brian.


Sa kanyang panayam sa "Tonight With Boy Abunda" ay nilinaw niyang wala siyang intensyon na kasuhan ang dating partner pero gusto lang niyang mabawi ang kanyang YouTube at iba pang social media accounts na ginamit nila noong sila pa.


Meron po kaming mga gustong bawiin na, like yung YouTube channel namin. Siya po kasi ang nagmo-monetize nun, siya po ang nagha-handle,” saad ni Pokwang.


Dagdag pa niya, “Ang feeling ko, dapat mabawi na namin yon. Hindi po kami nag-file ng case.”


Sinabi rin ni Pokwang na kumukunsulta sila sa isang abogado para ayusin ang kustodiya ng kanilang anak na si Malia kay Lee.

“Inaayos lang po yung sa custody ng bata at saka yung dapat naming mabawi na lang, yung YouTube channel at saka yung social media.


“Saka yung iano namin kay Malia kasi, sa totoo lang, five years kang [Lee] hindi nag-aabot, alam mo yan. Pero nanahimik ako… nanahimik ako,” pagkukwento ni Pokwang.


Matatandaang ibinunyag kamakailan ng Kapuso actress ang tunay na dahilan ng breakup nila ni Lee.


Sabi ni Pokwang, napilitan siyang magsinungaling at itago sa publiko ang katotohanan tungkol sa kanilang relasyon pero dumating sa punto na kinailangan na niya itong bitawan dahil ang anak niya ang nagsabi sa kanya na may ibang babae si Lee.


Doon siya natauhan at nagpasya na paalisin ang dating kapareha sa kanilang tahanan dahil ayaw niyang umabot sa puntong makikita nilang mag-anak ang isa't isa na nagsisigawan.


Tila nagsilbing closure din para sa komedyante ang panayam kay Tito Boy sa kabanata ng buhay nila ni Lee dahil may Instagram post siya tungkol sa pagsisimula muli.




“Done!!! I’ts time to fly high and be happy again with my true Love,” saad ni Pokwang sa caption.


May mga hashtag pa itong "#restartournewlife" at "#behappyagain".

No comments:

Post a Comment