Recent Posts

Featured Post

Zephanie, bahagi na ng international record label nina Taylor Swift at Ariana Grande

Monday, February 6, 2023

 


Magre-record si Zephanie ng kanta sa ilalim ng international record label na kinabibilangan nina Taylor Swift at Ariana Grande.


Ang Kapuso singer na si Zephanie ay bahagi ng international record label na Republic Records.


Nasa ilalim din ng record label na ito ang mga global popstar na sina Taylor Swift at Ariana Grande.

"Malaking tulong po ito para sa career ko na may mga kasama po ako na mga tao na tutulungan akong mag-share ng talent ko and makapag- inspire ng mga tao," pahayag ni Zephanie tungkol sa bagong milestone sa kanyang karera.


Bukod dito, magiging bahagi din siya ng upcoming teen-oriented show ng GMA bilang isa sa mga lead star nito. Makakasama niya ang Sparkada, iba pang Sparkle stars at maging si Michael Sager.


"I consider him my best friend and I'm really happy na kasama ko po siya sa first ever project ko rin sa acting," bahagi ni Zephanie tungkol kay Michael.

No comments:

Post a Comment